Feeds:
Posts
Comments
SCENES SHOW IN CITY OF PINES, THIS WEEK ON “MY GIRL”


By abs-cbnNEWS.com


The whole cast of the hit TV series “My Girl”, including Kim Chiu, Gerald Anderson, Enchong Dee, Alex Gonzaga, David Chua, Regine Angeles and Nina Jose recently went to Baguio, the City of Pines to tape some of the show’s most important scenes.

Viewers will be eager to see the scenes of the Kim-Gerald love team. Meanwhile, the character played by Enchong still hopes to make Jasmine fall in love with him.

Fans of the series will see a lot of developments in the next few days, including what will happen now that Lolo Greg knows the truth about his long lost granddaughter. How will everyone accept the real Hannah whom Lolo Greg has already met?

Don’t let these special scenes taken in scenic Baguio pass you by. Stay tuned to the very thrilling scenes in “My Girl”, weeknights on ABS-CBN’s Primetime Bida, after “Iisa Pa Lamang”.

BIANCA GONZALEZ WILLING TO TRY ACTING IF PAIRED WITH TAIWANESE ACTOR WU CHUN


By Melba Llanera


Maraming ispekulasyon na nabuo nang magsilabasan ang mga litrato at videos nina Bianca Gonzalez at ang ex-boyfriend nitong si Direk Lino Cayetano.

Kabe-break lang kasi ni Direk Lino sa Megadaughter na si KC Concepcion, at ilang araw pa lang ng breakup ay nakitaan na agad si Direk Lino ng mga litrato’t video na puwedeng pagtagni-tagniin ng mga makakating-dila, na patunay na binalikan na nito ang dating girlfriend na si Bianca.


NOT BACK WITH LINO. But when PEP (Philippine Entertainment Portal) caught up with Bianca last July 29, sa pictorial ng clothing line na Meg with friend Mariel Rodriguez, sinabi nito na hindi sila nagkabalikan ni Direk Lino after his breakup with KC at open na siya uli to entertain new suitors.

“We’re super okay, we’re friends but then just like I’ve been saying at the start of the year, we’re not together talaga,” paliwanag ni Bianca sa PEP when asked about Direk Lino.

“Sa akin kasi ito yung paniniwala ko, not just because we’re both single, ‘O sige, we’ll get back together na.’ It’s more complicated than that na. Kami kasi [ni Lino] we know each other so very, very well. We know each other’s best quality and even the worst kaya kailangang pag-isipan, if ever, we want to be together again or just better off na maging magkaibigan na lang. And right now, we’re not together.

“Nung we started talking again, we didn’t talk about it [getting back together] na serious. Just like I’ve said, kilala na namin ang isa’t isa so well, and we just both know na…not now.”

Bianca told PEP that she’s even open to the possibility that Lino might find someone new, and she said Lino expects also that she might get into a relationship, too.

“That’s bound to happen and we’re both prepared for that, for both sides. I’m sure time will come na baka may ma-type-an siya, likewise with me. He knows that day will come, at baka may makilala akong iba. Coz I’m single and I’m ready to mingle!”


WORK WITH WU CHUN. Sa visit ng Taiwanese star na si Wu Chun, bida sa Taiwanese soaps na Hana Kimi and Romantic Princess, inamin daw nito na crush niya si Bianca. Bianca also admitted to PEP na crush niya rin daw ang Taiwanese actor. She also said she’s open to work with him even if it calls for her to act kahit na hindi niya makita ang sarili bilang isang newbie actress.

“Nabaliw ako dun, sobra! Nung sinabi niya sa akin na naaalala niya raw ako, sobrang humaba ang buhok ko hanggang tuhod. I’m really excited! Kasi nga babalik sila dito. I don’t know kung magko-concert yata or promo lang.

“Sobrang crush ko siya, I told Tito Boy [Abunda, her manager] nga, ‘Alam mo na ‘di ako umaarte pero ‘pag ka-partner niya ako, aarte ako!’Niloko nga ako nung isang writer namin in E-Live that in our anniversary daw, pupunta ako ng Taiwan to interview Wu Chun. Sabi ko, ‘Why not?’ It’s my dream talaga to host internationally, to represent the country, pero mag-aaral muna ako ng Taiwanese.”


IMAGE MODEL. As Meg’s new image model along with Mariel, masaya si Bianca to be part of family ng nasabing clothing line.

“It’s an honor talaga. The people from Meg, they trusted us to endorse them. We’re talking nga yesterday, the owner of Meg, sabi nila, yung mga clothes daw nila is more of college, working people, or even high school. Yun ang market na gustung-gusto namin talaga. The clothes are fun, very casual, not so dressy. Ganun din ang style ko.”

JOHN LLOYD CRUZ SAYS SARAH GERONIMO IS A REVELATION IN “A VERY SPECIAL LOVE”


By Melba Llanera


Sa malaking tagumpay at init ng pagtanggap ng publiko sa premiere night ng A Very Special Love ng Star Cinema at Viva Films, inaasahan nang isang blockbuster movie na naman ang madadagdag sa listahan ng mga pelikulang sinuportahan at tinanggap nang husto ng mga manonood.

Magandang senyales daw kasi ang pagma-mature na ng ating movie viewers pagdating sa pagkilatis ng isang magandang pelikula. Hindi na daw tulad ng dati na ang personal na relasyon ng mga bida lang ang tinitingnan ng manonood sa isang movie. Concerned na rin sila sa husay ng mga nagsiganap na artista, ganda ng script, at galing ng pagkaka-direct nito.


THE END OF JOHN LLOYD-BEA? Katulad na lang ng magandang onscreen chemistry at mahusay na pagganap nina John Lloyd at Sarah sa A Very Special Love. May nagbigay tuloy ng komento na may katotohanan nga yata ang kinatatakutan ng mga John Lloyd-Bea [Alonzo] fans na baka tuluyan nang buwagin ang tambalan nilang dalawa.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay John Lloyd sa nakaraang premiere night ng A Very Special Love, sinigurado niyang hindi naman mangyayari ang pinangangambahan na ito ng mga tagahanga nila ni Bea.

“Dumaan man ang ilang pelikula ko na wala siya [Bea] o kahit magkaroon siya ng pelikula na wala ako, gagawa at gagawa pa rin kami ni Bea na mga projects, mapa-pelikula man o TV na kami ang magkasama.”

Masayang-masaya sa mainit na pagtanggap ng tao nang gabing iyon sa tambalan nila ni Sarah, para kay John Lloyd ay naihatid nila ang intensyon nilang maiparating sa publiko. Ito ay ang pagbibigay ng puso sa pelikula.

“Siguro kung naging masaya ang lahat ng nanood, doble ang saya namin so maraming-maraming salamat sa kanila,” sabi pa ni John Lloyd.


SARAH IS A REVELATION. Sa obserbasyon ng marami, lutang na lutang ang natural na husay sa pag-arte ng aktor pero kapansin-pansin din daw ang galing na ipinakita ng Pop Princess. Bagay na sinang-ayunan naman ni John Lloyd.

“Basta ang alam ko si Sarah, nag-shine siya sa movie na ito. She’s the biggest revelation in this movie. Iisipin mo napakasimple lang ng role niya, kahit siya sinasabi niya na ‘di malayo sa kanya. Light lang pero kung paano niya binigyan ng buhay ‘yung light na sinasabi niya, kung alam ninyo lang kung gaano kahirap yun… I think any performer or actress will agree with me na ‘di porke’t sinabi mong light, ‘di lang puro light ang atake talaga. Dalawang dimension yung atake niya, ang galing-galing.

“Habang nagda-dubbing ako nun, napapanood ko siya, bit by bit. Pero nung nakita ko siya nung isang latagan, sabi ko, ‘di ko na kailangang i-promote, ‘di ko na kailangang papurihan si Sarah. Marami-rami na kaming promotions na nagawa. Sinasabi ko ito hindi para i-promote yung pelikula namin pero sa tingin ko sobrang galing talaga ni Sarah dito.”

Sa tanong namin kung bukas ba siya sa isang bagong proyekto na magkasama sila uli ni Sarah, nakakatakot ang isinagot sa PEP ng aktor.

“Nakakatakot kasi kung maging successful ang movie na ito, paano mo mapapantayan yung una? Nakatakot, but I would definitely welcome the idea of doing another movie movie with Sarah.”


STAYING OR GOING? Naging kontrobersyal ang nakaraang Bench Blackout kung saan nagreklamo si Annabelle Rama na ipu-pull out na raw niya ang anak niyang si Richard Gutierrez sa nasabing clothing line dahil daw may favoritism na nangyayari dito. Nagkataon naman na katulad ni Piolo Pascual na dapat sana’y nasa fashion show, wala rin si John Lloyd doon. Kinabukasan after the show, may usap-usapan nang kasabay daw ni Richard ay aalis na rin daw si John Lloyd as a Bench endorser.

“‘Di ako nakasama because obviously it’s matter of priority. May ipapalabas akong pelikula, gumagawa ako ng mga post-prod na trabaho sa pelikulang ito, ‘di pa tapos ang post prod, I was dubbing. Sa tingin ko naman naiintindihan ng Bench na kailangang gawin ‘yun. Kung ‘di ko tinapos ‘yun [movie post-prod], ‘di magiging ganito yung pelikula.

“Wala kong offers sa iba, wala akong planong lumipat. Wala akong tampo kay Ben Chan. I’m happy with Bench.”

By Ethel Ramos


At the farewell presscon of “Kapitan Boom,” her fantaserye with Jon Avila and Jay-R Siaboc, Maja said she feels blissful because of several wonderful developments in her showbiz career.

Finally, she said her dream to topbill a teleserye will come true. Too bad, she sighed, that she cannot say anything about it as she was instructed to keep everything secret for now.

“But we already had our story conference. And the story is just beautiful. I will also have a new leading man.

“In the said storycon, I also had the chance to meet my director and writer. Ang gagaling nila talaga,” she happily related.

She is also set to do a movie with Shaina Magdayao, a horror movie which might be fielded for the Metro Manila Film Festival.

Maja’s first TV series, if you can recall, was a horror-suspense, “Spirits,” directed by Chito Roño. She also topbilled the horror movie, “Sukob,” with Kris Aquino.

By Ethel Ramos


Two new love teams are being featured in the episode this Saturday of the ABS-CBN top sitcom, “That’s My Doc,” topbilled by Aga Muhlach, Bayani Agbayani, Roderick Paulate, Pokwang, Lara Quigaman and child stars Celine Lim, Sophia Barrs, Jairus Aquino, and Bronson. They are Rayver Cruz and Valeen Montenegro and Valerie Weigman and Ejay Falcon.

Rayver and Valeen used to be with other partners. Rayver had Shaina Magdayao, while Valeen, Victor Basa.

But it’s obvious that their tandem with the above mentioned stars didn’t click.

“I hope mag-prosper na itong amin ni Valeen,” said Rayver.

Valerie and Ejay were former housemates in Bahay ni Kuya. It was Ejay who was proclaimed champion in the last “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus.”

Blind Item!

By Vinia Vivar


Aliw na aliw pala ang young actress sa kanyang iba’t ibang threads sa Internet na binubuo ng kanyang fans.

In fact, pinagpupuyatan niyang basahin ang mga feedback sa kanya at natutuwa siya positibo man o negatibo ang nababasa dahil pagpapatunay lang daw ito kung gaano ka-concern sa kanya ang mga tagahanga.

Okay lang sa kanya kapag pinupuna ng fans kung hindi maganda ang suot o ang ayos niya para at least ay nalalaman daw niya kung saan ba siya dapat mag-improve o kung alin ang mas bagay sa kanya.

Conscious din siya kapag nababasang medyo tumataba siya at kaagad na nagda-diet.

Pero siyempre, may mga oras ding naiiyak siya kapag sobra na ang panlalait sa kanya at alam niyang hindi ito galing sa fans niya kundi sa mga detractor na ibang artista ang sinusuportahan.

Gayunpaman, feel na feel pa rin niyang nagbabasa ng fan threads para updated siya sa latest feedbacks ng kanyang mga supporter.

ANNE, MAKAKASAMA ANG TATLONG HOTTEST MALE STARS


By Leo M. Bukas


Makakasama ng napakagandang aktres na si Anne Curtis ang tatlo sa sikat na sikat na lalaki sa showbiz industry ngayon – ang heartthrob at rumored boyfriend niyang si Sam Milby, ang hunky cover boy na si Zanjoe Marudo at ang hot TV host na si Luis Manzano.

Makakasama niya ang tatlo sa fantaseryeng Dyosa na malapit nang ipa-labas sa ABS-CBN.

Sa ilalim ng direksyon ni Wenn Deremas, ang Dyosa ay naglalahad ng kuwento ni Josephine na anak ni Bernardo Carpio at Ma-riang Sinukuan kung saan ang buhay nila ay magbabago kapag nagdalaga na ang kanilang supling.

Sa kalaunan, madidiskubre ni Josephine ang kanyang natatanging personalidad, ang pagiging Dyo-sa ng Hangin (Dyosa Cielo), Tubig (Dyosa Agua) at Lupa (Dyosa Tierra).

Nagpapasalamat si Anne dahil ang mga katambal niya sa fantaseryeng Dyosa ay malalapit sa kanya — Si Sam na leading man niya sa top-rating na teleseryeng Maging Sino Ka Man, si Zanjoe na talaga namang tunay na hinahangaan ang kagandahan ni Anne, at si Luis na co-star niya sa Kampanerang Kuba at best friend din niya sa showbiz.

Abangan ang nalalapit na pagdating ni Dyosa sa ABS-CBN Primetime Bida.

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.