Isa namang natutuwa kaming panoorin ngayon ay itong si Gerald Anderson.
In fact, tineks namin si Jun Reyes (discoverer at manager) ng aktor at ipinaalam namin na ang laking improvement ni Gerald sa My Girl, huh.
Sa mga eksena nito sa Sana Maulit Muli dati ay hirap mag-deliver ng mga linya si Gerald, at hindi pa nito ma-kontrol ang mga facial expression, pero iba na sa My Girl.
Kontrolado na ng aktor ang emosyon niya on screen at diretso na siyang mag-tagalog. Gusto talagang matuto ni Gerald and he has to learn new things in acting, otherwise mapag-iiwaanan siya.
Nabalitaan naming supportive naman daw si Kim Chiu sa aktor. Wala kaming masasabi kay Kim, keri niya ang pinaggagawa niya sa My Girl, in fact, mas magaling pa siya sa original na gumanap nito.