Pinagtatawanan lang ng kausap namin ang tsikang nagkakamabutihan na nga ang isang sikat na aktres at isang hunk actor.
“How could that be true?” ang tila mataray pang tanong ng aming kausap habang naka-arko ang mga kilay nito sa pagtataka sa mga naglalabasang tsika tungkol sa mga nabanggit.
Imposibleng-imposible raw na mangyari na magkaroon nang any romantic involvement si sikat na aktres kay hunk actor dahil baka parehong babae ang hinahanap nila?
Nagulat man kami, gusto naming biglang balikan ang nakaraan nang minsan ngang ma-involve ang nasabing napakagandang aktres sa isang pangyayari na kinasangkutan ng ilang mga ‘tivoli’ (read: mga kafatid na babae pero may pusong lalaki). Isang pangyayaring biglang namatay sa media dahil sa pakikisangkot ng mga nagpapatakbo ng magandang karir ni sikat na aktres.
Sumusumpa ang aming kausap na sa ibang bansa ‘pina-praktis’ ni sikat na aktres ang kanyang pagiging barako. “Not unless nga, pareho sila ni hunk actor ng drama or baka naman front lang din ni hunk actor ang pag-involve sa kanya dahil ‘yun pala, nagkapalitan lang sila ng puso?” Ang patuya pang nasabi ng aming kausap.
Sa mga naguguluhan sa blind item na ito, tumawa na lang kayo dahil kapag nalaman ninyo ang identities ng mga sangkot sa kuwentong ito, baka tumimbuwang pa kayo sa pagtataka at mas malakas pa sa putok ng bulkang mayon ang sigaw ninyo ng “ANO? Talaga?”
‘Yun na!!!