By Rose Garcia
Tungkol pa rin sa puso ang hindi maiiwasang topic kapag kausap ng entertainment press ang bagong Kapuso star na si Heart Evangelista. Muling nakaharap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang members of the press si Heart kagabi, July 9, sa grand launch ng Codename: Asero, na magsisimula nang mapanood sa GMA-7 on July 14.
Hindi naman daw isinasara ng pinakabagong leading lady ni Richard Gutierrez ang puso niya after her very publicized breakup with Jericho Rosales. Ayon kay Heart, “Siguro kung may dumating…but not boyfriend, not commitment. Kung may mga admirers, siyempre masaya yung feeling but I’m not yet ready talaga for a commitment.”
IS BILLY COURTING HER? Nali-link na kasi sa kanya si Billy Crawford. Kasama na ba
sa admirers niya ang international singer?
“Ewan ko sa kanya, hindi ko alam sa kanya,” maagap na sabi ni Heart.
Pero inamin naman ni Heart na nakita raw silang magkasama sa The Fort.
“We went out, group kami. Pero hindi kami magkasama talagang dumating, nagkita lang kami roon. Kasama niya ang iba niyang kaibigan, kasama ko ang iba kong kaibigan. Si Billy naman, dati pa kaming magkaibigan niyan,” paglilinaw ng dalaga.
RICHARD’S LEADING LADY. Bilang bagong leading lady ni Richard, narinig na raw ni Heart even before na balitang nai-involve romantically ang young actor sa kanyang leading lady every time.
“Naku, narinig ko na nga yan dati, pero hindi, hindi talaga. I don’t know kasi. I’m not ready, alam nyo yung kapag naririnig ko na mag-on na tayo, commitment, napapaso ako. Ayoko muna,” napapailing na sabi ni Heart.
THE EX-BOYFRIEND. Hindi na rin nakaiwas si Heart sa mga tanong tungkol sa
kanyang ex-boyfriend na si Jericho Rosales. Hindi na ba nagpaparamdam sa kanya si Echo?
“I changed my number. I changed everything, so okey na yun,” nakangiti niyang tugon. “My house, ni-renovate ko yung bahay ko…lahat! My channel! It’s not because of him, but I want a new start.”
Even yung mga bagay na ibinigay or nagpapaalala raw sa kanya about Echo, naka-box na raw at isinoli niya sa ex.
“Lahat ng gamit, lahat yun, like pictures, I already put it in a box. At ipinasoli ko sa kanya. Ipinabigay ko lang,” pag-amin ni Heart.
Sinabi rin ni Heart na walang naka-attach na note sa ipinadala niyang box kay Jericho.
Napailing na lang si Heart at hindi na nasagot ang tanong ng PEP sa kanya kung puwedeng sabihin na ganoon na lang katindi ang ginawa sa kanya ni Echo para isauli niya lahat ng ibinigay sa kanya ng dating boyfriend.
MOVING ON. Ayon kay Heart, third party ang dahilan ng kanilang breakup ni
Jericho, pero mariin naman itong pinabubulaanan ng young actor. Pero talaga bang naka-move on na si Heart?
“You know, when you have the right reasons, it gives you reasons to move on,” saad ni Heart. “Alam nyo, gusto ko talagang sabihin sa inyo lahat, pero alam nyo yun, survival instinct ko to. At ito lang yung mga more or less, magaganoon ko.”
Three years ang inabot ng relationship nina Heart at Jericho, kung saan ipinaglaban talaga nila ang kanilang pagmamahalan. And yet, tila sa napakaikling panahon, nabura na lahat ng magagandang alaala nila ng ganoon na lang.
“Wala na,” sabi niya. “When I closed the book, I closed the book.”
Kahit daw siya mismo, nagugulat sa sarili niya kung paano siya nakapag-move on agad.
“Alam nyo ngayon, wala na akong anger or whatsoever. It’s better this way. You know, sometimes, when you give too much of yourself to other people and then sobrang parang wala nang natitira sa yo, nagkakaroon ka ng survival instinct. And I think this is best part of survival instinct. I think it’s better that I’m by myself, I’m away from other people and I’m going on with my life. It’s easier that way,” pahayag ng young actress.
Ayaw magsinungaling ni Heart, pero na-trauma raw siyang talaga sa nangyari sa relationship nilang dalawa ni Echo.
“Yeah, na-trauma ako. Pero hindi ko naman idye-generalize ang lahat. Hindi naman porket nangyari yun sa akin at na-trauma ako sa isang tao, ganoon na lahat ng tao,” sabi niya.
THE GOOD SIDE. Kung may maganda man daw na naidulot sa kanya ang lahat, ito
ay ang pagiging mas mature niya ngayon.
“Emotionally,” sabi ni Heart. “Before kasi, hindi ko kayang mag-isa. Palagi akong dependent sa pamilya ko. You know, I do things on my own. And mostly, yung mga decision ko in life. Pero siguro ngayon, masasabi ko na independent-independent lang talaga ako before, pa-effect lang yun. But now, I
am really learning on my own. With the help of my parents, pero hindi na sila
katulad ng dati na nagdi-dictate.”
Natatawang kinontra agad ni Heart ang tanong sa kanya ng PEP paano kung mag-cross ang landas nila ni Jericho anytime. Maliit lang naman kasi ang mundo ng showbiz.
“Hindi mangyayari yun! Hindi magko-cross. Basta if it happens, it happens siguro. Kung hindi, hindi. Wala, e, wala na,” pagtatapos ni Heart.
Heart, hindi kayo bagay ni Echo mas bagay cla Kristine!!!!!Sikat cla dito sa Malaysia, ikaw hindi!!!