Sa GMA na yata natulog si Robin Padilla dahil personal na tinutukan nito ang editing ng finale episode ng Joaquin Bordado na nagtapos kagabi.
Hindi makaangal ang mga staff na nagbabantay sa editing dahil nandiyan din si Robin para lalong mapaganda ang pagtatapos nito.
Kahit may mga ilang reklamo akong naririnig laban kay Robin, nakikita kong mahal pa rin siya ng mga taong nakatrabaho niya.
Kahit ang EP na si Joseph Buncalan ay mangiyak-ngiyak kapag naiisip niyang matatapos na ang Bordado. Napamahal na raw sa kanila si Robin kaya hindi na raw tatanggi si Joseph sakaling ibibigay sa kanya ang kasunod na project ni Robin sa GMA 7.
Ang narinig kong susunod na gagawing TV series ni Robin ay ang Totoy Bato, pero gagawin daw muna nito ang pelikula sa GMA Films na pagsasamahan nila ni Sunshine Dizon.