By Parazzi/Fernan Sucalit
Mula sa reality show na Pinoy Big Brother Teen Edition, malayo na ngayon ang narating ng isang Gerald Anderson. Hindi man naging big winner ang Amboy Hottie na ito, dumating pa rin sa kanya ang mga oportunidad na nagdala sa kanya sa kasikatan at tagumpay. Pinagbidahan nina Gerald at ng kanyang on-screen partner na si Kim Chiu ang Sana Maulit Muli na itinuturing na isa sa most watched TV programs noong 2007. Nakagawa na rin siya ng dalawang pelikula, ang First Day High at I’ve Fallen for You. Bukod sa kanyang mga shows sa ABS-CBN, suki rin itong si Gerald ng mga TV ads at paboritong kunin bilang product endorsers. Hindi yata nawawalan ng projects si Gerald at kasalukuyan nga siyang gumaganap bilang Julian sa nakakakilig at kwelang My Girl. Sa kanila ng kanyang tagumpay, nananatiling nakatapak pa rin sa lupa ang mga paa ni Gerald. Kaya walang problema sa kanya kahit makita pa siya kung saan na tumutuhog ng squid ball. Aba, baka sa susunod, siya na ang nagbebenta ng squid balls ha.