Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘Entertainment Live’

BILLY CRAWFORD DENIES PLAYING SWEET MUSIC WITH HEART EVANGELISTA


By Julie Bonifacio


Nakunan ng pahayag ng Entertainment Live! kahapon, July 5, ang international star at host ng Pinoy Dream Academy na si Billy Crawford tungkol sa balitang pagkakamabutihan nila ni Heart Evangelista. May nakakita raw kasi na magkasama sa isang restaurant sina Billy at Heart.

“It’s not true that we’re alone. Hindi lang kami ni Heart ang magkasama that time. There are a lot of people when we came out and I know Heart for a long time as well,” pahayag ni Billy.

Ayon naman sa mga nakakita, sweet na sweet daw sina Heart at Billy.

“Sabi nila sweet daw kami and everything. I’m not gonna say anything, ‘di ba? No matter who is with me… and maybe a woman next to me, of course, I’m gonna offer her a seat, I’m gonna offer her a drink, like iced tea.”

Sa trade launch ng mga bagong shows ng ABS-CBN kinunan ng pahayag ng EL! ang ex ni Heart na si Jericho Rosales tungkol sa isyu.

“I’ve already moved on,” sabi ni Jericho. “I’m happy for them.”

Hirit naman ni Billy, “I saw Jericho, and you know, kung syota pa lang yun, masakit talaga yun, ‘di ba?”

Ayon kay Echo, wala raw siyang magagawa kung may bago nang boyfriend si Heart.

“Hindi ko mapipigilan ang panahon.”

Pinanindigan naman ni Billy na magkaibigan lang sila ni Heart at hindi sila magkarelasyon.

“I’m still single. Right now, hindi ako naghahanap. So, yung issue about me and Heart, [it’s] not true,” tapos ni Billy.

Read Full Post »

By Leo M. Bukas


BANNED ngayon ang isang sexy young actress sa The Buzz at Entertainment Live, ang dalawang pangunahing talk show ng ABS-CBN.

Ito’y dahil sa kamalditahan ni young sexy actress nang interbyuhin siya ng staff ng dalawang programa. Hindi umano nagustuhan ng dalaga ang tanong sa kanya na base lang naman sa mga nasulat na sa dyaryo.

Kaagad daw umiyak ang young actress at nagsumbong sa business unit head na may hawak ng programang maglu-launch sa kanya sa Dos.

Nagalit ang executive producer ng dalawang talk show sa ginawa ni young actress kaya nagdesisyon itong i-banned muna siya sa dalawang talk show na hawak niya.

“Hindi pa siya star at wala pa siyang napapatunayan pero ganyan na siyang umasta. Nakakaloka siya.”

Read Full Post »