Feeds:
Posts
Comments

Posts Tagged ‘Vhong Navarro’

By Ambet Nabus


‘Di kumpleto ang kaligayahan ni Vhong Navarro sa pagkaka-annuled ng kasal nila ni Bianca Lapus dahil sa maselang dahilan kung bakit kinatigan ng korte ang annulment. “Psychological Incapacity” ang pinagbatayang rason kasama ang pagkakaroon ng psychological disorder ni Bianca bago pa man sila ikinasal ni Vhong na pinagtibay ng finding ng isang psychiatrist.

Binigyang pansin ng korte ang pakikipagdate ni babae sa iba’t-ibang lalaki kahit na boyfriend na nito ang aktor at nasundan pa raw ‘yun kahit kasal na sila na nagpapakitang hindi pinapahalagahan ni babae ang kanilang kasal.

Ayon sa nakausap naming malapit sa aktor, hindi raw kumpleto ang kasiyahan nito dahil may kinailangang lumabas na masama at pangit sa mga pangyayari. “Kaya nga medyo pagdaraanan niya ‘yung mahirap na proseso ng pagpapaliwanag sa kanilang anak,” hirit pa ng naturang source.

Abala ngayon si Vhong sa pag-aaral ng kanyang kakaibang role sa upcoming na I Love Betty La Fea soap kung saan isang komikerong Nicolas na best friend ni Betty ang kanyang susubukang gawin.

Read Full Post »